Juice colored!!! kalahating buwan na pero wala pa rin ganap much sa bahay ni Kuya!!!
At so far, parang wala pa din angat na housemate. Wala pa akes nappusuan as Big winner, tho marami anang boys ang nakabihag sa puso ko. hahaha
At wala pa din akong nakikitang patok at exciting na task sa balur. Ano na! Galaw galaw naman dyan kuya! Alog alog din!
Feeling ko hindi rin talaga nagwowork yung casting ngayon ng PBB. Magkakapareho kasi ng profile. Tsaka wala masyadong diversity pagdating sa personalityat background/interest. Halos lahat sila halatang bet talaga mag showbiz. Wala yun tipong naipasok sa loob ng bahay kasi interesting ang personality and pagkatao.
Pero balita ko ha, double time daw talaga si Kuya and his staff sa paghahanap ng mga possible additional housemates. At least aware talaga sila na hindi ganun ka-patok ang set of housemates nila.
Eto exclusive feed to mga mars ha. As in sobrang classified info pa to (wow ha, lakas maka classified! mala-Napoles levels chuwariwap).
Isa daw sa mga housemates na napili ni Direk Lauren ipasok sa bahay ay isang starting pa lang na character actress (theater/tv) na mala-Melay slash Cacai levels. As in karakter daw talaga ang pagka-chaka. Hahaha! Ang namesung ay nagsisimula sa letter D. Kulotchina ang heret at sobrang patawa daw talaga.
Isa pa ay isang celebrity model na guash, pakak na pakak sa pahka-yummy. Bet na bet ko, at feeling ko siya ang tuluyang magpapa-kalembang ng aking pechay. M and start ng namesung ni koya papable, at for sure, pampa-attract ng major major audience ang purpose. At kelan ba nawalan ng buildable hunk leading-man-to-be si Kuya?
Anyway, yan pa lang naman ang nakalap na impormasyon ng aking secret service agents aka chika rampadoras. I will keep you updated sa mga bagong ganaps at chika.
For the meantime....
Meron daw kinunuto sa bahay ni Kuya! hahaha! By the looks of it, ang mga mukha lang namang dugyot eh si Maris, Loisa or Joshua. Hahahah!
Sa sobrang ka-boringan ngayon sa bahay, sabay sabay muna tayong lahat with feelings.....
TWEET TWEET DIN PAG MAY TIME: @pinoybigbekbek

No comments:
Post a Comment