Thursday, May 8, 2014

DI KO PA TALAGA LIKE

Ano na tey! Mag 2 weeks na wala pa ding major ganap sa bahay ni Kuya maliban sa Mang Juan moment ni Papa Axel at kay ang special episode highlight kay Nichole. Anu na? Galaw galaw! Susko, di ko pa like ha!

Una sa lahat, Papa Axel, naintindihan ko kung saan ka nanggaling sa moment mo about Mang Juan to the point na ikina-luha mo pa. Kung ako din ikaw, nako baka nga mas malala pa ang nagawa o nasabi ko, lalung-lalo na sa putragis na Michelle na yun na nagsisimula nang maging nakakajirits. Hindi sa pinagtatanggol kita pero parang ganun na nga. hahaha. Basta paglabas mo bibilhan kita ng Mang Juan! O kung gusto mo, mas masarap na chicharon ang ipapatikim ko sayo. Ang Chicharon ni Big Bekbek. Nakow, mapapa-iyak ka din sa sarap! hahaha



Maganda naman yung ginawa ni Alex na kausapin ka at alamin yung side mo and mag-apologize. Actually, napaka-mature nga nung ganap ni Ateng Alex na yun.

Pero ang tanong ko lang, KUYA, bakit hindi mo din pinakausap si Michelle kay Axel eh diba nga siya naman talaga kung tutuusin ang may kasalanan? Ano to, gaguhan? Charot!




So, si Nichole ang star this week. Special episode si atey!!! In fairness, mala-MMK naman talaga ang buhay ni tey. I can't imagine growing up knowing that the person I grew up with as a "sister" is actually my mother all along. Ang sakit diba? Kung ako yung parang hindi ko agad matatanggap. Parang hindi ko agad maiintindihan. Pero we don't know everything. Baka naman ganun din si tey nung una and then she has overcomed it na and started to move on. Good for her. Pero mas mawiwindang siguro ako pag nalaman kong the sister I grew up with is actually my real father. hahahaha! Bakla pala si Phoem eh noh? Charot!!!

Para dun sa mga photos ni Nichole, deadma na. Halouer! 2014 na po! May mga kinder nga na naglalaplapan na eh. Aminin nyo yan! At being young, may mga mistakes naman talaga tayong nagagawa sa buhay natin. Ang maganda, we all learn from all these mistakes. And we know for ourselves, that these mistakes do not define who and what we are. (Taray! Pang beaucon ang sagot). And iut's not just the person, kasi malaki din ang naco-contribute ng environment ng bata kung saan siya lumalaki, sa mga nagiging actions and behaviors nya. May kasibanhan nga tayo, ANG BATANG HALIPAROT, MALAMANG, ANG NANAY AY KANGKAROT. Charot!



And for this week, pwede na mag-vote to nominate. Actually bongga itey, kasi yung mga housemates na buraot na buraot na ang madlang people eh pwede nang i-chugi ng mga viewers. Yun eh kung hindi ima-manipulate ang vote results. Medyo apprehensive ako dyan eh, nagsimula nung PBB Teen Clash season nila Baby James Reid. Ilang linggo bang naka-survive si Tricia Santos nun sa eviction, kahit halatang halata naman na hate na hate siya ng di lang housemates nya kundi ng buong mundo. Halatang pinagkakitaan nila ang voting for a few weeks, kaya ilang beses siyang pinalagpas kahit obvious naman na tsuging tsugi na sya sa ratings. Sana this season, wala nang ganyang ganap. Hindi nakaka-credible. Hindi nakaka-believable. haha!

Pero guys, botohan na! Alam na!


Hahahaha! Alam naman nating lahat na madami nang may gusto ka Loisa (gustong pumatay, hahaha), pero for me and dapat unang gumora sa balur ay si Ate Chevin. hahaha! Ayan oh, anong sinabi ng pasimpleng chansing! Alam na alam ko yan, gawain ko din yan! hahaha



Pero seryoso, sa tingin ko, at this stage of the competition (competition talaga?) eh siya ang pinaka-hindi pa nagpapaka-totoo. Siya yung feeling ko masyado pang walled. Very conscious pa ng lahat ng galaw at salita nya. Aware pa din siya sa mga camera and I know, sa loob loob nya lagi, na napapanuod siya. (Oo na, andami kong alam. hahaha)

No wonder siya ang pinaka-maraming nakuhang "DI KO PA LIKE" sa lahat ng housemates. Says a lot, tama ba ako Paco Evangelista? hahaha!



Basta ako, naka-boto na. Eh ikaw?


No comments:

Post a Comment