Maingay sa twitter na sila Maris at Chevin daw ang magkapatid. I wonder how come nagkaroon ng magkapatid na hindi alam na magkapatid sila. Ang lakas naman maka-teleserye! Sino ang scriptwriter? Charos!
Kung pagbabasehan natin ang picture na itey, may chance nga na magkapatid sila. pareho ng mata at ng ngiti.
Pero actually, pwede din naman wala talaga, tapos pag reveal time na eh, biglang kukuda si Kuya na, kayong lahat ang mga magkakapatid. Tapos magyayakapan silang lahat, Tapos tapos na. Si Kuya ang big winner. Charot! O kaya, after magyakapan ng mga housemates biglang black-out. Black screen. Ayun, nalipat na pala sa Kapatid network yung show. Hahaha! Anyway, kung sino man sa mga housemates ang long lost siblings, happy naman at sa wakas ay magkakakilala na sila. And if I knowwwww........ planado na naman ang eksenang itu. Pero kudos naman sa mga researchers ng show ha. Imbestigador levels! At may reunion na ganap, parang Wish Ko Lang! Hahaha!
Sinasabi ko na nga ba eh, si LOISA na talaga ang official kangkarot ng batch na itey. Nagsimula na si bakla!!! Naku naku naku, bantayan nga yang batang yan. Masama ang nava-vibes ko kay bakla, parang any monument eh mag-aarte-artehan na yan for the attention of the boys. Yung tipong makiki-epal at makiki-sali sa mga boys kahit wit naman siya inaaya. And pwede ba, tigil tigilan yang #LoiShua na yan! Hindi sila bagay! Akin lang si baby Joshua! Chareng!
Birthday ng Babe Jacob ko. At mahilig sya sa Japanese food! Parang ako!!! (CHECK!) Ang hinhin nya kumilos noh? Very refined ang manner of speaking and way he acts, tas kumakanta pa, very Disney princess! Chareng! From my babe to my baby naman tayo...
Manolo, Manolo, Manolo.....
Baby Manolo na wala pang girlfriend since birth....
Hahahaha! Basta baby ha, wag ka magpapalandi dyan sa loob ng bahay. Lalo na kay Loisa! At wag na wag ka manglalandi! Lalo na si Loisa! Nakow! Pag nagkataon, susugod talaga ako dyan sa Mother Ignacia! Hahaha! Hintayin mo na lang ako baby paglabas mo ng bahay after 100 days! Wa ako care kung pinagtatawanan man nila ang maliit mong mga mata. Dahil kitang kita naman tv, bukol na bukol pa lang, eh lyamado ka sa sobrang laki! Hahahah!
Feeling konti na lang talaga ipapadakip na ako ng mga magulang ni Manolo for Child Abuse and Harassment of a Minor! Basta ha, pag wala na akong posts, ibig sabihin nun isa na akong bulaklak ng Manila City Jail. Hahahaha! Sa mga magulang ni Baby Manolo, Ma and Pa, (Ma and Pa na talaga?). Don't worry, pangkatuwaan lang po ito. Mahal ko po si Manolo. At ipaglalaban ko po siya. Uubusin ko po ang kayamanan ko para lang ipang text votes sa kanya. Kaya pag naging Big Winner po siya, paki-reimburse na lang po yung gastos ha. Hahahah!
Pansin ko lang, magkamukha si Michelle Gumabao at si Asia's Pop Sweetheart Jullie Ann San Jose (Oo, panindigan natin ang title nya. Haha!)
O diba? Ang laki ng resemblance? Baka naman bukas pagbukas nila nung malaking mahiwagang box eh lalabas si Jullie Ann at ipapakilalang kapatid ni Michelle, tapos sabay sila kakanta ng "Do you wanna build a snowman?" hawak ang bidet.
Medyo boring pa sa balur ni Kuya. Nasaan na ang ganap! Nasaan na ang mga pasabog!!
Naku ha, aabangan namin yan.
TWEET TWEET DIN PAG MAY TIME: @pinoybigbekbek






No comments:
Post a Comment