Tuesday, April 29, 2014

ALL IN!!!

Hello Philippines, Hello World!
Hello Galaxy!!! (Sige, ipush mo yan! Simula pa lang waley na agad! Haha!)

Binuksan na naman ng aking nakakatandang shupatembang ang kanyang balur, para sa mga aspiring artista, este, housemates, na nagrerepresent sa drama ng tunay na buhay. O diba, pinaglalaban talaga yang slogan! Charot!

At ang season na ito, tinawag nyang ALL IN, dahil all in na daw ang lahat ng edition ng PBB Regulars, Teens and Celebrities.

Hmmm.... teka nga, eh parang mukha namang PBB Teens lang. Hahaha! Before anything else, isa-isahin natin ang mga bagong talents, este, housemates ni Koya.


Unang-una ang tinaguriang "Jock-next-Door ng Taguig". Una sa lahat, si Axel pala ay kapatid ng equally yummy na si Thomas Torres. In fairness, may sarap din itong bagets na ito, at kung siya ang nakatira next-door ko, malamang mapapa-jock talaga ako! Chareng!

Mukha siyang straight version ni Enchong, pero wala akong ibig sabihin dyan ha! Haha! Promising si bagets, pero mukhang may yabang factor at angas. Pero kebs na, basta palagi na lang siya mag-topless sa loob ng bahay ni Kuya.



Next ay ang tinaguriang "Rising Celebriteen ng Pasig" na si Jane Oineza. Okay, Next!
Hahahaha!



Si Chevin (pronounced as Kevin) naman daw ang "Simpatikong Salesman ng Cam Sur". In fairness, ka-aura nya si Jerico nung PBB Unlimited. And something tells me may something kay koya Chevin. Must be the Ch on his name, napapa aCHoo akes ng slight! Haha! PS: Hindi daw totoong 24 y/o si koya, dahil accdg to his legit facebook account, he just celebrated his 26th bday recently. Kung maka-screen age naman.... CHe!



Si Cess aka "Biba Raketera ng Valenzuela" na yata ang pinaka-close to reality na housemate ni Koya this season. Siya na ang pinaka-normal, yung tipong isa sa mga libo-libong pumila sa Araneta sa kainitan ng araw kasama ang mga friendships para mag-audition habang kumakain ng baong nilagang mais at softdrinks sa supot. Haha! Aliw naman si bakla, and for sure, siya ang pinaka-relatable sa batch na ito.




Unang-una, nabo-bother ako sa close-up shot nya. Ang "Sweet Revelation ng Makati" na si Nichole na yata ang pinaka hindi ko ma-gets, hindi naman siya mukhang sweet (hello naman sa bigote mo neng) at certainly hindi din siya revelation. Ano naman ang dapat i-reveal? at sinong may care? Haha! Isa pa, ayoko talaga ng mga may pangalan na pinapaarte ng unnecessary additional letter H. Next!


Si Julia Montes, nabusog at di natunawan, ayan ang resulta, si Aina na "Dancing Bombshell ng Boracay". Medyo duda ako na sa Boracay talaga ito nakatira, dahil ang lahat ng kakilala kong taga-Bora ay tan talaga ang skin. Si bakla yung tipong isa sa mga magiging pa-sweet na kangkarot girls sa loob ng bahay. Yung tipong magkaka-bet sa isa sa mga boys tas pasimple lalandi. And there you have it! Haha!



Gwapito din itong boylet na si Joshua, ang "Tatay's Boy ng Batangas". May something eh. Yung tipong masarap kalaro ng Playstation o Dota tapos pag nanalo eh ililibre mo ng isang litrong Coke tsaka Pancit Canton, tas mabu-booking mo na. Charot! Mukha siyang chickboy, pero mukha ring masunurin. 


Amen!!! Si Jayme aka "Devoted Daughter" siguro ang magiging pinaka-likeable sa girl housemate this season. Mukha siyang mabait, sincere, mabuting kaibigan. Parang pinaghalong aura ni Laureen Uy at Bianca Gonzales. I like her. Big 4 material.



Manolo, Manolo, Manolo.... Come to mommy! Hahaha! Si Baby Manolo aka ang "Wonder Son ng Quezon City" ay super cute. Mukhang mabango at malinis, mukhang matamis ang katas! Charot! Very charming and likeable, and for sure, pumapalakpak na naman ang maraming mga keps ng mga malalanding kabataan. Hahaha! And mukha siyang may breeding at good manners. Big 4 material, and possible big winner na din. (Oo na, may favoritism ako! Haha) So please lang Kuya......... shower scene naman ni Baby Manolo ko please.... Hahaha!



Si Maris naman daw ang "Singing Sunshine ng Davao". Sige lang teh, mag sing ka lang dyan. Shine ka lang diyan, push mo yan. Di ka naman pakikialaman. Dahil wala naman kaming pake. Hahaha!



Ang "Maginoong Marino ng Quezon" naman na si Ranty ay mukhang magiging babysitter ng mga bagets sa bahay ni Kuya. He reminds me of Franzen ng Season 1. Sana kasing likeable din ang personality niya. At bilang marino siya, malamang magaling siyang sumisid. So Kuya, paglabas niya, pakidiretso siya sa bukal ko, ipapasisid ko yung perlas ko. Chareng!



"Spunky Spiker ng Quezon City" naman daw si Michelle. Ang semi-celebrity volleyball player from La Salle. Bet ko siya. May personality siya na interesting. Ala Gabby Dela Merced. Parang siya yung magbibitch-slap sa mga kangkarot na bagets na housemates. Isang solid na spike sa pez! Ganern! Possible Big 4 material.



*cue music: And I... found a very special love in you. Its a feeling that's so totally new, over and over, it's burning inside....* 
Oh Jacob.... my Jacob! Charot! Ang "Cutie Crooner ng Paranaque" naman na si Jacob yung tipong lalaki na ang sarap iuwi at ipakilala sa mga magulang. Gwapo. Mukhang malinis. Kutis mayaman. Maganda ang ngiti. Swabe ang porma. Asal mayaman. Mukhang edukado. Mukhang maganda ang kotse. Mukhang masarap ang mga kinakain. Mukhang marunong magluto. Mukhang may US visa. At Zara ang underwear. Hahaha! Pero hanggang ganun lang, ang hirap nya pagpantasyahan. Ewan ko ba. Medyo may nasesense kasi ako. Kumikililing ng slight ang aking kalembang. Hahaha! Pero deadma, basta love ko si cutipie Jacob! Siya na yata talaga!!!



Ok. Saan ba ako magsisimula? Sige, si Loisa aka ang "Talented Darling ng Paranaque" yung tipong ibi-bitch slap ni Michelle Gumabao sa pez dahil sa kalandian. Mukha siyang kangkarot in the making. Siya yung isang episode eh mag-iinarte at magpapa-comfort kemerot sa isa sa mga boylet sa bahay (malamang kay Manolo or Joshua). Siya yung tipong magte-trend sa twitter every night sa dami ng mga naiinis sa kanya at gusto siyang patayin, ala Tricia Santos. Siya yung ikakahiya ng mga magulang nya paglabas nya ng bahay. Hahaha! At utang na loob, lakas maka-maida ng pangalan! Loida!!! pakikuha na yung mga labada! Loida, pakilinis yung kubeta! Hahaha!




Pag-isahin na natin tong kambal na itey. Familiar faces na tong mga ito sa dami ng TV Commercial na nagawa nila. Ang "Brad Bait at Brad Kulit ng Pasay" ay mukhang tatagal pero feeling ko isa lang sa kanila. Mukha silang bibo, wag nga lang sosobra kasi baka ma-mis interpret ng iba as yabang or pabida. And something tells me Richard and raymond version 2.0 tong mga to, kayo na ang bahala kung sino sa kanila si Richard at kung sino si Raymond aka Amonda. Yun na!



Feeling ko, si "Lady Mahinhin ng Bacolod" na si Vickie ang pinaka-maraming makaka-away sa loob ng bahay. Siya yung tipong magiging mahinhin sa umpisa pero magiging sobrang palaban at opinionated later on. Sana mag-away sila ni Michelle Gumabao sa loob para naman may episode. Yung mala Nicole and Monica levels! Haha!


Una, aliw na aliw ako kay Alex. Riot talaga si bakla. Walang preno, walang censorship ang kilos at bunganga. Sabunutan mo ba naman si Toni Gonzaga live on-air sa nationwide tv. hahaha! Tsaka napaka-babeng bakla niya, natural yung mga banat. Good idea na ipinasok siya ni Kuya sa loob ng bahay, at least may buhay kahit papaano. May ganap, may promotor ng chika. Pero I think ilalabas din si bakla agad tapos papalitan ng ibang new housemates.


OO, feeling ko may mga additional housemates pa. Kaya wag muna umarte-arte online sa mga set of housemates. Haha! Malay nyo, yung mga hinahanap nyo maipasok din.

Wag din masyadong maghahanap ng mga "totoong tao", hanap kayo ng hanap ng mga gaya nila Melai, Jason, Franzen, Nene, Eting, Kigoy, etc. eh for sure naman gusto nyo panuorin yung mga gwapo at magaganda. Sige nga, pag puro normy at panget ang housemates, panunuorin nyo? Pag mukhang mga iskwala lumpur yung mga housemates, panunuorin nyo? Kaya isip isip din muna! Pasalamat nga tayo eh, may mga pwedeng gawing inspirasyon gaya ni Baby Manolo at Babe AJcob! Hahahaha!

Kaya please lang kuya, dalawa lang ang hiling ko, sana magpasok ka naman ng magtatayo ng bandera ng mga kalahi naming unicorns with rainbow ribbons. At tsaka isang hubadero na sobrang sarap na hunk, na yung certified tunay na lalaki ha! Hahaha! Yung mga tipong John Spainhour or Hideo Muraoka! Hahaha! Pwede na din si Mark McMahon. (ehem ehem!)

At dahil dyannnnnnnnn...... 

Simulan na ang first task of the week:

HULAAN KUNG SINO ANG PINAKA-NATATAGONG PRIMERA BOTOMESA sa loob ng bahay.


CHARENG!!!!

No comments:

Post a Comment